Tuesday, February 28, 2012

Ang Akwaryum

Ang Akwaryum
Isinulat ni Webbielady

 Pagod na pagod na ako. Ayoko na. Ano ba naman ang importansiya ng buhay? Hindi ko talaga maintindan. 43 anyos na akong solo sa buhay. Wala lang, buhay nga ba 'to? Oo nga, buhay ba ang tawag dito? Buhay nga ako pero patay naman ang kaluluwa ko. Araw-araw na trabaho, walang pagmamahal, walang pag-aaruga, as in wala! Pagod na talaga ako sa routine na 'to! Ano pa ba ang pwedi kong gawin? Walang-wala na! Ang umanidad ay nakakahiya! Ang pulitika ay nakakasuka! Ang mundong ito ay playground lamang ng kasamaan at nakakasukang katotohanan. Ayaw ko nang manatili dito. Ayoko na.Gusto ko nang tapusin ang lahat! Papano nga ba?

 Ano nga ba ang best way ng pagpapakamatay na hindi kailangang magdusa? Tama na ang pagdurusa ko! Nakakahiya naman kung bibitayin ko ang sarili ko, pangit ang dating. E, laslasin ko kaya ang pulso ko? Yay, bloody nga naman! Ayoko din nyan! Lagyan ko nalang kaya ng lason ng daga ang gatas ko mamaya. Oo nga, tamang-tama! Bingo! 


Kaya lang... saglit nga! Papano ang mga isda ko? Sila lang yung nagpapasigla ng araw ko at sila lang ang nagpapasaya nang konti ng malungkot kong buhay. Sigurado magdudusa sila pag wala na ako. Kawawa naman itong mga minamahal kong isda! Hindi ko to matitiis! E, papano na ngayon? 


Makapagisip nga. Ayaw kong magdusa ang mga minamahal kong isda ng mas matagal kaysa sa pagdusa ko. Saglit! Hmmmm... Sa tingin ko, bawasan ko nlang yung tubig ng akwaryum, tapos ilagay ko sya sa kusina at buksan ko yung gas.... Tama! Ayan! Isara ko yung mga bintana at sa kusina ako matutulog kasama ng mga mahal kong isda sa kahuli-hulihang pagkakataon sa mundong ito. Bukas wala na kami dito............. 


 .....kinabukasan..... 


 Oo na, oo na, alam ko! Buhay pa din kami! Hindo ko kayang patayin ang mga mahal kong isda! Wala na akong choise kundi mamuhay sa nakakasuklam na mundong to.

No comments: